Thursday, August 18, 2011

Barangay Alangilan, Batangas City

Official Seal ng Barangay Alangilan

Simbolo


Malaking Letrang “A” - Alangilan

Balisong - Batangas

Bulaklak ng Ilang-Ilang - kung saan nagmula ang pangalan ng Barangay

Sulo at Libro - 8 eskwelahan na nakatayo sa Barangay

Mga Tao - Nagkakaisang 18,000 mamamayan ng Barangay


Misyon


Layunin ng Barangay Alangilan na isulong ang isang maunlad, malinis, at tahimik na pamayanang may malalakas, matatalino, masisipag at may takot sa Diyos na mga mamayanan sa pamamagitan ng isang pamunuang may tunay at taos-pusong paglilingkod at nasasakupang may pakikiisa, pakikipagtulungan at pagmamahalan.


Pananaw


Isang huwarang Barangay na maunlad, malinis, tahimik na may kaaya-ayang kapaligiran at mamamayang nagkakaisa, disiplinado, masayang nagmamahalan sa isa’t – isa sa gabay ng Panginoon.


HISTORICAL AND CULTURAL DATA OF ALANGILAN


I. Official Name of the Barrio – Alangilan, Batangas City. Its name came from the Ilang-Ilang tress which were abundantly found near the river Alangilan.

II. Original Families Aguda; Aguba; Alea; Bay; Beredo; Casañas; Gualberto; Lopez; Melo, Ramos


III. List of Barrio Captain :

1. Emiliano Beredo - 1800’s

2. Lucas Lopez - 1800’s

3. Jose Beredo - 1904

4. Maximiano Casas - 1920’s

5. Julio Beredo - 1930’s

6. Sancho Clet - 1930’s

7. Miguel Contreras - 1940’s

8. Pedro Maranan - 1940’s

9. Crisanto Ramos - 1940’s

10. Meliton Mercado - 1951-1961

11. Roman Clet - 1960’s

12. Felix Contreras – 1960’s

13. Rogelio Alea - 1970 - 1989

14. Gloria Montalbo - 1989-2007

15. Guilberto Alea - 2007-present


IV. Demography -

Land Area - 270 Hectares

Population - 17,500

No. of Families - 4,600

No. of Households - 3,200



Kasaysayan


1700’s

Panahong 1700’s ng nasabing laging dumaraan ang mga dayuhang kastila papuntang Batangan at lagi nilang naaamoy na napakabango ng lugar na ito na noo’y napakaraming puno ng Ilang-Ilang at maraming laglag na bunga at bulaklak ito, kaya’t nasasamyo ng mga dayuhan habang dumaraan sa tabi ng Ilog Alangilan. At simula noon, ang lugar na ito ay tinawag na Ilang-Ilang na sa kalaunan ay naging “ALANGILAN” dahil sa “SLUNG” na pananalita ng dayuhan.

1800’s

Panahong 1800’s ay walang opisyal na namumuno sa Barangay Alangilan sapagkat noong panahong yoon ay iilang bahay at pamilya at magkakamag-anak ang nakatira dito kaya’t ang pinaka-matanda ang itinuturing nilang pinuno o nagmamatanda sa lugar na ito. Na kapag may mga problema at suliranin sa lugar ay ang “nagmamatanda” ang umaayos. Siya din ang nagsisilbing namumuno sa kung anumang okasyon sa Barrio gaya ng pakasal, pabinyag, burol at iba pa. Ang nagmamatanda rin ang tagapanatili ng kapayapaan ng Barrio. Ang naitalang mga gumanap nito ay sina Emiliano Beredo at Lucas Lopez noong panahong yoon.

1900’s

Taong 1904 ang kauna-unahang naitalagang Teniente Del Barrio ng Bario Alangilan si G. Jose Beredo Y Casañas. Itinalaga siya at nanumpa kay Presidente Municipal Jose Arguelles ng Municipalidad ng Batangan.

Sapagkat may naitalaga ng mamuno sa Barrio ay nagsimula ng naramdaman ang tulong buhat sa Gobyerno tungo sa kanayunan. Panahon ng Commonwealth ng naipagawa ang daang Nacional (National Road), ang siyang kauna-unahang malaking proyekto ng Gobyerno na pinakinabangan ng mga taga-Alangilan at naging maalwan ang transportasyon ng kalesa at paragos papuntang “bayan”.

1930’s

Ito ay panahon pa ng Commonwealth na ang naging pangulo ay si G. Sancho Clet at G. Julio Beredo at sila ay magkatulong sa pagpapaunlad ng nasabing Barangay. Katunayan ay sa pamamagitan ni G. Sancho Clet ay nagkaroon ng Paaralang Elementarya ng Alangilan na siya ang nag donasyon ng lupang kinatitirikan ng nasabing Paaralan at siya rin ang naging Punong Guro ng Paaralang Elementarya ng Alangilan.

Taong 1940’s ng nilusob ng Hapon ang ating Bansa at isa ang ating lugar sa naapektuhan ng kahirapan at kaguluhan sapagkat may naitayong kampo o Garison ang hapon dito sa Alangilan na ngayon ay kinatatayuan ng De Joya-GSIS.

Karamihan sa mga taga-Alangilan ay lumikas papuntang Banaba, Rosario, San Pedro at iba pang lugar na malayo sa Garison.

Ang ilang kalalakihan naman ay sumapi sa Guerilla para lumaban sa Hapon gaya nina G. Anastacio Beredo, G. Feliciano Javier, Policarpio Ramos, Servillano Culla, Anselmo Beredo, Francisco Casas, Pablo Santoyo, Timoteo Cena, Eugenio Maranan at iba pa. At ang ilan namang naiwan dito sa Barrio ay nakaranas ng pagmamalabis at kalupitan ng Hapon. Sapagkat andito sa Barangay ang Garison ng Hapon ay kinakailangang yumuko ng paggalang kapag dadaan sa Garison at kapag may nakasalubong na Hapon ay pinaparusahan ang sinumang hindi nagawa nito.

Nang matapos ang panahon ng Hapon ay muling nagbalikan ang mga taga-Bario upang ayusin ang kanilang mga bahay at kabuhayan.

Taong 1950’s - 1960’s, panahon na naging pangulo si Meliton Mercado, taga-Sitio Ibaba. Panahon niya ng nabuo ang Barangay Tanod. Ang mga Barangay Tanod ay grupo ng mga kalalakihan na nag boluntaryo upang maglingkod sa Barangay upang mapanatili ang katahimikan sa Barangay.

Sa panahon ding ito na karamihan sa mga kalalakihan sa ating Barangay gaya nina G. Teodoro Garcia, Diego Punzalan, Silvestre Cordero at iba pa ay nagrebelde sa pamahalaan ni Pangulong Carlos Garcia na noon ay Presidente ng Republika ng Pilipinas, na ang mga ito ay nakasimpatya sa natalong Pangulo na si Dr. Jose Laurel na isang Batangueño na sa paniwala nila ay siyang tunay na nanalo sa eleksyon kaya’t ang mga ito ay namundok kasama pa ang ilang kalalakihan ng Region IV bilang pagpapakita ng hindi pagsang-ayon sa pamahalaan.

Panahong 1960’s ng nasabing sumigla at uminit ang pulitika lalo na ang pang-Panguluhan ng Barangay sa pagitan nina Pangulong Roman Clet at Pangulong Felix Contreras na nagmula sa dalwang pinakamalaking angkan sa Barangay. Nang panahon ding ito nagsimula ang mga tuklong at kapisanan sa mga pook at nagdaos ng kani-kanilang pa-fiesta sa kani-kanilang purok. At nagkameron ang Barangay Alangilan ng tatlong (3) Purok, ito ay ang mga Purok Malinis (na ngayon ay Sitio Ilaya) na pinamumunuan ni Vice Barrio Lieutenant Felix Contreras, Purok Masaya (na ngayon ay Sitio Centro) na pinamumunuan ni Vice Barrio Lieutenant Anastacio Beredo at Purok Magsimpan (na ngayon ay Sitio Ibaba) na pinamumunuan ni Vice Barrio Lieutenant Rosalio Alea.

Taong 1970’s – 1980’s, panahon ni Pangulong Roger Alea ng magsimulang dumami ang mga tao sa Alangilan sapagkat dito nagsimula ang pagtatayo ng mga Subdibisyon gaya ng De Joya, Nueva Villa at Beredo Subdivision at nasundan pa ng ilang Subdibisyon ang nagtayo sa ating Barangay. Napiling dito sa ating Barangay magtayo ng mga Subdibisyon sapagkat higit na mataas at maganda ang lokasyon sa kabayanan at ang lugar na ito ay maayos tirahan dahil sa malapit sa bayan.

Panahon din ni Pangulong Roger Alea at Pangulong Gloria Montalbo ng simulang maayos ang patubig, pailaw at pagpapa-konkreto ng ilang daanan or Brgy. Roads, Health Center at iba pa.

Taong 1989 ng mahalal na Pangulo si Gng. Gloria Montalbo, ang kauna-unahang pinunong babae sa kasaysayan ng ating Barangay, na matagal ding naglingkod bilang Konsehal ng Barangay sa ilalim ng kanyang bayaw na si Pangulong Roger Alea. Dito nagsimulang pagkaisahin ang mga noo’y iba’t ibang petsa ng kapistahan sa kada purok. At noong Mayo 1, 1989 ay naganap ang kauna-unahang ka fiestahan o Barangay Day ng Barangay Alangilan at ito ay ipinagdiriwang hanggang sa ngayon. At noong panahon ding ito, nagtayo ng mga paaralang pampribado at Unibersidad gaya ng Casa Del Bambino, Marian Learning Center & Science High School, PBMIT (na ngayon ay Batangas State University (BSU) – Alangilan Campus) at iba pa. Sa kanyang pamumuno ay nag-umpisa na isaayos ang mga pathway,

Barangay Road
, Open Canals, at pagsasaayos ng Health Center. At hanggang sa ngayon, siya ay naglilingkod bilang pangulo ng Senior Citizen ng Barangay Alangilan.




2000 – present

Sa panahong ito ay patuloy na dumami ang mga establisyimento at mamumuhunan sa Barangay na nagresulta ng mas malaking Annual Budget ng Barangay.

Taong 2002 ng maitayo ang Barangay Hall ng Alangilan sa pamumuno ni Mayor Eddie B. Dimacuha at sa pagsusumikap ng Sangguniang Barangay ng Alangilan sa pamumuno ni Pangulong Gloria Montalbo.

Taong 2007 ng maihalal ang isa sa pinakabatang Brgy. Chairman sa Kasaysayan ng Barangay sa katauhan ni GUILBERT BEREDO ALEA, dating kagawad ng 10 taon at isang Reserved Officer ng Philippine Navy. Sa loob ng unang termino ay napakaraming Reporma at Proyekto ang nagawa ng bagong pamunuan gaya ng pagpapaayos ng mga Brgy. Roads, Infrastructure Projects, Renovation ng Health Center, Basketball Court, Regular na pag duty ng mga kawani at Opisyal ng Barangay, Streetlights, Canal’s, Creating Brgy. Seal, Sports Development at napakarami pang iba.

Sapagkat nabibilang sa sektor ng kabataan si Pangulong Alea, ay pinagsumikapan niya ang pakikilahok ng kabataan (Youth Involvement) sa mga proyektong Barangay gaya ng mga pa liga, Cultural Presentation, Operation Linis at iba pa.

Nang panahon ding ito, binansagan ang Barangay Alangilan bilang “HOME OF THE CHAMPIONS” ng Punong Lungsod sapagkat palaging nakukuha nito ang kampeonato sa palakasan lalong lalo na ang larong Softball, Cultural Contest at iba pang patimpalak at nagsimulang makilala saan mang sulok ng probinsiya at ng Region IV. Sa panahon ding ito, marami ang nagparehistro bilang mamamayan ng Alangilan na dati rati ay may bilang na 4,000 lamang ang nakarehistro hanggang dumami ng dumami na humigit kumulang sa 8,000 mamamayan ang nagparehistro hanggang sa kasalukuyan.

Muling nagtala si Pangulong Guilbert Beredo Alea ng kasaysayan na sa kauna-unahang pagkakataon ay walang lumaban sa pang-Panguluhang Eleksyon noong 2010 Barangay Election na isa sa pinakamalaking Barangay sa Probinsiya ng Batangas na mahigit 17,500 residente.

Sa kasalukuyan, ngayong 2011 ay naganap na ang matagal ng pinapangarap ng mga taga-Brgy. Alangilan, amg magkameron ng sariling MULTI PURPOSE COVERED COURT na siyang pagdarausan ng mga Palaro, Pagtitipon, Cultural Presentation at iba pa. Ito ay nagkaroon ng katuparan dahil sa kagandahang loob nina Ms. Paciencia Beredo at Dr. Jose Beredo na nagbigay ng lote at si Mayor Vilma Abaya Dimacuha na siyang naglaan ng pondo para sa nasabing pangarap

na Covered Court
ng taga-Barangay Alangilan. At ito ay sa pagsusumikap ni Pangulong Be-2 Alea at Sangguniang Barangay ng Alangilan. At sa bisa ng Resolution ay pinagkasunduan ng Sangguniang Barangay na pangalanan itong “Barrio Lieutenant JULIO V. BEREDO SPORTS COMPLEX” bilang pagkilala sa isa sa haligi ng ating Barangay at magulang ng mga nag donate ng lupa. Ito na hanggang sa kasalukuyan ang pinakamalaking proyekto sa kasaysayan ng ating Barangay.

Sa kasalukuyan ay tuloy ang pag-unlad ng Barangay Alangilan at yan ay dahil sa pagkaka-isa at pagtutulungan ng kabarangay.


“KAYANG KAYA BASTA’T SAMA-SAMA”.


SANGGUNIANG BARANGAY


Punong Barangay

Guilberto Beredo Alea

Barangay Kagawad

Archie C. Tumambing

Vilma B. Yanoc

Crisanto P. Ramos

Ramon C. Melo

Danny D.Garcia

Michiel C. Clet

Arvin G. Casas


Ingat - Yaman

Reynaldo C. Beredo


Kalihim

Geraldine M. Untiveros



SANGGUNIANG KABATAAN


SK Chairman

Shaira Camille L. Garcia


SK Councilors

Frinz Charles B. Casas

Raniel V. Landicho

Gelene D. Cordero

Christine G. Magnaye

John Paolo Rex C. Hernandez

Maricar M. Inoc

Arvin Ritche G. Castillo


BARANGAY PERSONNEL


Brgy. Clerk II Brgy. Clerk

Aurea D. Bautista Marvin A. Cascalla

Caretaker Utility Worker

Carlos Medina Jimerto Cahepe

Leonor Calingasan Rodel Arellano

Traffic Aide Messenger

Dario P. Ramos Eddie Celemin JR.

Driver

Nordan Calingasan

Brgy. Sports Coordinator Brgy. Health Officer

Ramon G. Gualberto Jose Casas




BARANGAY HEALTH WORKER


BRGY. MIDWIFE NURSE

Fernanda C. Casas Arlene E. Castillo


DENTIST DENTAL AIDE

Dra. Ching Dinglasan Mercy D. Balmes

BHW

Ana Purita Perez

Helen Mercado

Marcia Melo

Welly De Castro

Imelda Ramos


Morena P. Untiveros Dominga Guerrero Norma Capili

Day Care Worker Day Care Worker II Day Care Worker


BARANGAY POLICE


CARMELO PUNZALAN

Chief of Police


JAIME DE VEYRA

Chief Investigator


PABLITO CUSTODIO RAFAEL MELO

VICENTE FLORES ISAGANI DE CASTRO

JOSE PADILLA PAULINO MELO

CASIANO ORTIZA JR. FEDERICO MELO JR.

JIMMY INAO VICTORIANO UNTALAN

REYNALDO ROVIRA EDDIE MERCADO

JOSE GAMBOA NONILON GOMEZ

MARCELINO BANCO GREGORIO GUALBERTO

GIL AGUBA MEDEL DELGADO


BARANGAY JUSTICE


Consolacion G. Valenzuela Nelson Aguila

Pedro Festijo Sr. Gloria Montalbo

Arnel Landicho Florante Serrano

Ramon Gualberto Jayvee Villavicencio

Natalio Festijo Ramon Ceradoy Jr.

Felicisimo Clet Sr. Timoteo Asis

Ruperto Comia Romeo Mier

Conrado Aguba Romeo Culla

Carlo Garcia Celso Buenafe

Felipe Beredo Alex Yanoc


LEGAL ADVISERS

Atty. Rd Dimacuha

Atty. Narciso Macarandang

Atty. Elmer Alea

Atty. Rolando Villa Delrey


SUBDIVISIONS OF BARANGAY ALANGILAN


Annalyn Subdivision Mr. Calvin Huela

El Puerto Real Subdivision Mr. Arnold Lacsamana

Madonna/Uptown/Carmel Subd. Mr. Ponciano “Prose” Manansala

Nueva Villa Subdivision Mr. Vicente Marquez

De Joya Compound Mr. Jayvee Villavicencio

Sterling Heights Subdivision Mr. Osmundo Macatangay

St. Peter Subdivision Mr. Obhet Ronquillo

St. Paul Subdivision Architect Florante Serrano

Golden Country Homes Phase I Mr. Nelson Aguila

Golden Country Homes Phase II Mrs. Baby Cua

Beredo Village Capt. Rolando Abarintos

Beredo Compound Mr. Ruperto Comia

Mega Heights Subdivision Mrs. Auring Realon

Aguda Homesite Atty. Arcinas

Aguda Subdivision Mr. Romulo Lopez

Aguda Village Mr. Cris Aguda


SITIO’S OF BARANGAY ALANGILAN

Sitio Ilaya Kon. Vilma Yanoc

Sitio Calumpang Mr. Librado Cantos

Sitio St. Olan Kon. Arvin Casas

Sitio Labac Mrs. Josefina M. Lagman

Purok I Tramo Mr. Jose Gamboa

Purok II Tramo Mrs. Gemma Cañete

Purok III Tramo Mr. Florencio Benolo

Purok IV Tramo Mrs. Ma. Remedios De Torres

Diversion Road


LIST OF ACCOMPLISHMENTS

2007-present


  1. Basketball Court
  2. Construction of Stage
  3. Purchased of Lot
  4. Street Lights – Sitio Labac, Sitio Tramo, Castillo Road, St. Olan, Beredo Rd. etc.
  5. Construction of Open Canal – Sitio Tramo/Sitio Calumpang
  6. Construction of Brgy. Road – Sitio Tramo,Sitio Calumpang,Sitio Labak, Sitio Ibaba
  7. Concreting of Brgy. Road & Canal at Sitio St. Olan
  8. Construction of Dainage/canal – Sitio Ilaya Tramo
  9. Construction of Canal Cover
  10. Painting of Waiting Shed
  11. Renovation of Conference Hall & Barangay Hall
  12. Renovation of Health Center
  13. Dental Chair
  14. 2007,2008,2009, 2010 Christmas Gift Giving for Indigent Family (approximately 900 Families per year)
  15. Training Programs – Welding & Air-conditioning, Auto Electrical etc.
  16. Purchased of 2 Collapsible Tent
  17. Purchased of Medicine (Every Year)
  18. Musical Instrument
  19. Purchased of Public Address Amplifier & Digital Copier
  20. Medical Assistance for Indigent
  21. Burial Assistance for Indigent
  22. 2 Generators
  23. Purchased of Conference Table
  24. Purchased of Computer & Digital Camera
  25. Purchased of Sports Equipment
  26. Streetlight along
    National Highway
  27. Tricycle Patrol
  28. Purchased of Steel Filing Cabinet & Clerical Table
  29. Purchased of Sump Pump for Flooded Areas
  30. Asphalt
    Overlay National Highway
  31. Asphalt Overlay - Sitio Tramo, St. Peter to Ilaya
  32. Welcome
    Marker Road
  33. Concreting Beredo Compound Extension (
    Brgy.Hall Rd.
    )
  34. Concreting Sitio Calumpang Extension
  35. Drainage Canal
    Annalyn Road
  36. Completion of Concreting Tramo
  37. Drainage Canal – Tramo Ilaya
  38. Organizing the Community Band (only Community Band in Batangas City)
  39. Mass wedding – almost 25 Indigent Couples
  40. Creating a Barangay Seal
  41. Operation Tuli
  42. Creating & Organizing Volunteer Brigade
  43. Gawad Parangal para sa natatanging Barangay –Cluster Champion
  44. All year round Sports Activities – Softball, Baseball, Basketball, Volleyball, Bowling, Boxing (Fiesta)
  45. Given the Monicker “Home of the Champions”
  46. Transparency and Accountability (Always Published the In and Out of Barangay Fund)
  47. 24 hours a day, 7 days a week Public Service


PRE-SCHOOL/ELEMENTARY/UNIVERSITY


1. Alangilan Central Elementary School

2. Marian Science Learning Elementary/High School

3. Christ The Lord Institute Elementary/High School

4. Batangas State University

5. Casa Del Bambino Elementary/High School

6. Star Kids Learning Center

7. Batangas Christian Elementary/High School

8. Maranatha Elementary School

9. Duplex Day Care Center I & II

10. Westmead International School



Thursday, September 30, 2010

Barangay Alangilan


ALAMAT NG BARANGAY ALANGILAN

Noong unang panahon ay namalas sa kapaligiran ng pook na ito ang iilang bahay na nakatayo, subalit napakaraming punongkahoy na may iba’t ibang uri. Ang iba ay isa sa mga pinagkukunan ng pagkain ng mga taong naninirahan dito, at ang mga iba naman ay ginagawang pahingahan ng mga taong gumagawa sa bukid. Sa mga punong kahoy na ito kabilang na ang Ilang-Ilang na nababanaagan saan mang dako ng pook. Bagama’t hindi nakakain ang bulaklak at bunga nito ay kinatutuwaan ito hindi lamang sa mga taga nayon kundi sa mga dayuhan na naggagawa sa pook, sapagkat ang magagandang bulaklak ng Ilang-Ilang ay humahalimuyak sa bango.

Isang araw ay may isang pulutong ng mga bata na nagkakatuwaang manguha ng bunga ng Ilang-Ilang. Ang bunga nito ay kahawig ng bunga ng duhat. Nagkataon sa pinaglalaruan ng mga bata ay may dumaang pangkat ng mga mangangaso, Napagkaisahan ng mga batang naglalaro na biruin ang nasabing pangkat sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang basket ng puno ng bunga.

Hindi mailarawan ang kaligayahan ng mga mangangaso. Gayon na lamang ang tuwa nila at tinikman kaagad ang binigay na bunga ng mga bata sa pag-asang iyon ay duhat. Sa laki ng galit nila matapos matikman ang bunga ay kaagad na pingputol-putol ang lahat ng mga punong Ilang-Ilang na makita nila na ang karamihan ay nasa tabing ilog. Siyang pagdaan noon ng ilang kastila upang maligo at manguha ng bulaklak ng Ilang-Ilang. Gayon na lamang ang lungkot ng mga ito ng nasaksihan ang pangyayari, kaya’t hindi na nila ang pook ng Ilang-Ilang. Ang pangyayaring naganap ay naging paksa ng usap-usapan hindi lamang ng mga taga nayon kundi pati na rin ang mga naninirahan sa karatig na pook. Dahil ditto, nagkaroon ng iba’t ibang bigkas ang mga tao hanggang tawaging “ALANGILAN” ang nayon na noon ay kilala sa tawag na Ilang-Ilang.

Wednesday, May 27, 2009


After Graduation....

.,Kuh.. haizt, salamat at nkagraduate na rin..hehehe... muzta na ga kau? kuh, ndi na ako maxadong sanay mag blog eh...hehehe.. anoh, muzta naman ang lyf nyo after graduation? honestly, ako, yun, eto, still naghahanap pa rin ng work..hehehe,,sana matanggap na sa mga inaaplayan.. hehe..
ui naiicp ko yung mga masasayang bonding nten..hehehe.. kuh, mdami din tayong pinagdaanan anoh? hehehe, anjan yung thesis na nakakasura hehe, pero salamat at natapoz na rin yung thesis na yun..

Honestly, masaya talaga ako kasi nkagraduate na tayo,,hehehe.. pero minsan, naiisip ko talaga ang mga makukulit kong clasmates.. xempre, naaalala ko parin silang lahat.. honestly, pag malungkot ako, ang ginagawa ko na lang eh tinitingnan yung mga pictures namin sa friendster na masasaya at magkakasama...hehehe.. abah, honestly, kahit na may medyo tampuhan sa isat isa, still, anjan pa rin yung caring at loving..hehehe... sana, yun, magkasama pa rin kme ng mga clasmates ko.. wish ko nga na sana eh magkaroon kme ng reunion eh..hehehe... ui, clasmates, kung nabasa nyo naman to, wag na wag nyong kakalimutan na itxt ako ha... miz ko na kau.. promiz.... napapaluha na ako eh habang nagttype dne...hehehe...

Friday, September 19, 2008

L6 (Lollipop Boys)


......Maraming nagtatanong kung san nga ba nagsimula ang L6? Honestly,nung unang psukan di p talaga nbuo ang L6.Basta nung nasa kalagitnaan na ng taon dun kami naging close,. Sino-sino nga ba ang L6? Una si L1-si Marvin Cascalla,Pangalawa si L2-si Roy De Los Reyes,Pangatlo si L3-si Mark Daniel Faderagao,Pang-apat si L4-si Ian Rey Faner,Pang-lima si L5-si Noriel Castillo,Pang-anim ay si L6-si Mar Gonzales,at especially ang kaisaisang si Patrick Ebora.hanggang nagayon ay kami pa rin ang L6, buo, masaya at magkakasama. Honestly, lahat naman kami ay mga lovebable at syempre mga gwapo...hehehe..

.....Kahit saan kami magpunta ay magkakasama pa rin kami kahit sa mga over night at paggawa ng project anjan pa rin ang bonding..hay, ang sarap talagang maging L6 at xempre masayang maging cp-pm.. Alam nyo kahit may mga tym na nagkakaroon kami minsan ng hindi pagkakaintindihan, its a part of our lyf . Ang importante eh anjan pa rin ang pakikisama,pagkakaisa,at pagkakaibigan.!

.....By the way, baka makalimutan ko pang sabihin sa inyo kung saan nga pala nagsimula ang L6? Ito ay nagsimula sa isang LOLLIPOP.. hehe... uwOh tama kayo sa isang lollipop. Syempre kahit sa pagkain ay sama-sama kaming anim at syempre pagkakatapos naming kumain ay lagi kaming nabilli ng lollipop bilang panghimagas. Sa tuwing papasok kami sa room ay lagi kaming may lollipop sa aming bibig at doon kami nabansagan ng aming founder ng L6 na si Robinson Capili na "Lollipop Boyz (L6)." At dahil dito sa tuwing kakain kami ay may nag iisponsor na sa amin ng Lollipop at ito ay walang iba kundi ang napakagandang president ng cp-pm na si Ms. Vanessa Florez ang nag iisang sponsor.. Thank you Vanessa..!!

....Kung sino sa inyo ang gustong maging sponsor ang ating napakagandang Ms. President ng Cp-Pm click nyo lang ang link na Vanessa Flores.. hehehe...


My First Blog..

..actually dis is my 1st blog na nagawa ko..d q nga alam kung ano una kong isusulat eh,pano wala naman akong alam d2 at saka d naman ako gud writer.As a student kelangan ko 2ng gwin dhil project nmin 2.At saka gus2 kong m22nan kng pno gumawa ng isang blog.ganito pala ang feelings,para bang nka2lito at d alam ang sa2vhin.Honestly kahit 1st tym kong gumawa n2 e nag-eenjoy talaga ako kasi nasa2bi ko ang mga nsa utak ko at kng ano ang inisip ko.happy naman ako kasi by means of dis,i can communicate 2 my clsm8s and 2 my friendz.at dahil d2 mdme ako nakila2 at maki2la2 pa na magi2ng friends ko.sana may ma22nan pa ako at may malaman tru dis blog.

..........Kau?anong feelings nyo nung 1st tym nyong gumwa ng blog?