Thursday, September 30, 2010

Barangay Alangilan


ALAMAT NG BARANGAY ALANGILAN

Noong unang panahon ay namalas sa kapaligiran ng pook na ito ang iilang bahay na nakatayo, subalit napakaraming punongkahoy na may iba’t ibang uri. Ang iba ay isa sa mga pinagkukunan ng pagkain ng mga taong naninirahan dito, at ang mga iba naman ay ginagawang pahingahan ng mga taong gumagawa sa bukid. Sa mga punong kahoy na ito kabilang na ang Ilang-Ilang na nababanaagan saan mang dako ng pook. Bagama’t hindi nakakain ang bulaklak at bunga nito ay kinatutuwaan ito hindi lamang sa mga taga nayon kundi sa mga dayuhan na naggagawa sa pook, sapagkat ang magagandang bulaklak ng Ilang-Ilang ay humahalimuyak sa bango.

Isang araw ay may isang pulutong ng mga bata na nagkakatuwaang manguha ng bunga ng Ilang-Ilang. Ang bunga nito ay kahawig ng bunga ng duhat. Nagkataon sa pinaglalaruan ng mga bata ay may dumaang pangkat ng mga mangangaso, Napagkaisahan ng mga batang naglalaro na biruin ang nasabing pangkat sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang basket ng puno ng bunga.

Hindi mailarawan ang kaligayahan ng mga mangangaso. Gayon na lamang ang tuwa nila at tinikman kaagad ang binigay na bunga ng mga bata sa pag-asang iyon ay duhat. Sa laki ng galit nila matapos matikman ang bunga ay kaagad na pingputol-putol ang lahat ng mga punong Ilang-Ilang na makita nila na ang karamihan ay nasa tabing ilog. Siyang pagdaan noon ng ilang kastila upang maligo at manguha ng bulaklak ng Ilang-Ilang. Gayon na lamang ang lungkot ng mga ito ng nasaksihan ang pangyayari, kaya’t hindi na nila ang pook ng Ilang-Ilang. Ang pangyayaring naganap ay naging paksa ng usap-usapan hindi lamang ng mga taga nayon kundi pati na rin ang mga naninirahan sa karatig na pook. Dahil ditto, nagkaroon ng iba’t ibang bigkas ang mga tao hanggang tawaging “ALANGILAN” ang nayon na noon ay kilala sa tawag na Ilang-Ilang.

No comments: